Party-list solon, suportado ang hakbang ng COMELEC na isapubliko ang SOCE ng mga kakandidato

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni CIBAC Party-List Representative Bro. Eddie Villanueva ang mungkahi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Garcia na isapubliko ang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kakandidato sa 2025 elections.

Sa plano ni Garcia, gagawing accessible online ang SOCE ng mga kandidato upang mabigyang access ang publiko.

Suportado ni Villanueva ang hakbang na aniya ay magpapalakas sa transparancy at accountability ng ating election system.

Paraan din aniya ito upang masuri ng publiko ang kandidato at makilatis kung ano ang tunay nitong hangarin sa pagtakbo.

“This move will boost transparency and accountability in our election system. People will have a greater scrutiny of who are financing the candidates, where are the campaign money coming from, and is it legitimate or not. By doing so, the public can better figure out what or whose interests will the candidate be standing for when elected into office,” sabi ni Villanueva | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us