Plano ng pamahalaan na i-institutionalize ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).
Ito ang tinuran ni BPSF National Secretariat Head Sofonias Gabonada Jr. sa isang pulong balitaan bago ang nakatakdang BPSF sa Bislig Surigao del Sur.
Ayon kay Gabonada, ito ang nakikita nilang paraan upang masiguro na hindi mapuputol ang pagbaba ng serbisyo ng pamahalaan para sa publiko.
Inihalimbawa nito ang Bagong Pilipinas Serbisyo Center na ipinatayo sa Leyte na isang one stop shop ng lahat ng government services.
Oras din aniya na maging ganap na batas ang BPSF ay matitiyak na may taunang pondo para sa pagpapatupad nito.
Ang BPSF na gagawin bukas sa Bislig ang ikalawa sa CARAGA at 20th leg ng pinakamalaking serbisyo caravan ng administrasyong Marcos. | ulat ni Kathleen Forbes