Sen. Legarda, sang ayong mapaalis na sa Nationalist People’s Coalition si Mayor Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Senator Loren Legarda na ma-expel o ganap nang maalis sa Nationalist People’s Coalition (NPC) si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Giit ni Legarda, una sa lahat ay hindi niya alam kung bakit natanggap sa kanilang partido si Guo.

Sinabi rin ng senator, na hindi na dapat pang hintayin ang pinal na desisyon  sa mga kaso laban kay Guo at ngayon pa lang ay hanapan na ito ng grounds for expulsion sa NPC.

Kahit man lang aniya suspensyon mula sa partido ay dapat nang ipatupad habang gumugulong ang imbestigasyon.

Una nang isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian, na miyembro rin ng NPC, na masipa na sa partido si Guo.

Nakapag-usap na rin sina Gatchalian at Legarda tungkol dito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us