Gamit ang kaniyang lokal na dialekto, ay ipinaabot ni Surigao del Sur Governor Alex Pimentel ang pasasalamat sa Marcos Jr. Administration sa pagbababa nito ng tulong at serbisyo ng pamahalaan sa mga Pilipino.
Sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Bislig Surigao del Sur, sinabi ni Pimentel na ramdam ng Surigaonon ang pagmamahal ng pamahalaan.
Dalawa kasi sa pinakamatataas na lider ng bansa ang magkasunod na dumayo sa kanilang lalawigan para magbigay ng ayuda.
Huwebes nang bisitahin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Surigao del Sur para sa pagpapaabot ng tulong pinansyal sa mga magsasakka, mangingisda at pamilyang naapektuhan ng el niño.
Habang itong Biyernes nang sundan ito ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez.
Tinawag pa ni Pimentel ni makamasa ang Pangulong Marcos at si Speaker Romualdez.
Lalo na aniya nang tamaan sila ng lindol ay agad nagpadala ng 75,000 foodpacks si Speaker Romualdez.
Kabuuang 90,000 na Surigaonon ang nakabenepisyo sa dalawang araw na BPSF sa Surigao del Sur. | ulat ni Kathleen Forbes