Dine-develop ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mobile application para sa eksakto at real time disaster incident reporting.
Ayon kay DSWD Undersecretary Diana Rose Cajipe, ang Advanced Data Gathering for Assistance Preparedness for Protection (AGAPP) ay isang innovative tool na makakapagbigay ng real-time situation reports sa panahon ng kalamidad.
Magbibigay ito ng malinaw na data, image capturing at geotagging para sa mas mabilis na communication process.
Nilinaw rin ni Usec. Cajipe na ang Disaster Response Command Center na inilunsad kamakailan ang siyang magiging central hub para sa disaster monitoring, reporting, at coordination para sa paghahanda at mabilis na pagresponde sa panahon ng kalamidad.
Bukod sa DRCC, umarangkada na rin ang mga Mobile Command Centers at ideneploy ito sa 14 DSWD regional offices. | ulat ni Rey Ferrer