Bilang isa sa tagapagasulong ng franchise renewal ng Meralco ay ikinatuwa ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pagdami ng suporta mula sa business community para sa paggawad ng panibagong prangkisa sa power distributor.
“We are heartened by the letters of endorsement sent by the semiconductor and electronics sector and private electric power operators for the renewal of Meralco’s distribution privilege by another 25 years,” sabi ni Rodriguez.
Ito’y matapos makatanggap ng liham ang house committee on legislative franchsies mula sa Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation, Inc. (SEIPI) at Private Electric Power Operators Association (PEPOA)
Punto ni PEPOA President Ranulfo Ocampo makikita naman ang track record ng Meralco sa pagbibigay serbisyo sa mga negosyo at pinaganda rin ang buhay ng mga Pilipino.
Kinilala din nito ang hangarin ng power distributor na mapailawan ang lahat ng kabahayan at ang pagpapatupad ng lifeline rate program lalo na para sa mga pinakamahihirap.
“Meralco’s invaluable assistance in sharing its resources to typhoon-ravaged regions has alleviated the sufferings of millions of affected customers,” saad ni Ocampo sa liham.
Nauna na rin aniya nagapdala ng suporta ang Makati Business Club at Management Association of the Philippines.
Sabi ng mambabatas apat na sa pinakamalalaki at maimpluwensyang negosyo sa bansa ang nagpahayag ng suporta sa Meralco na dapat ikonsidera sa pagbibigay ng panibagong prangkisa.
“These are four of the country’s biggest and most influential business organizations. We should heed their collective voice of support for the renewal of Meralco’s franchise, together with related statements from some consumer groups,” dagdag ni Rodriguez.
Kasabay nito nanawagan ang CDO solon sa franchises committee na maiakyat na sa plenaryo sa lalong madaling panahon ang panukalang franchise renewal oras na magbalik sesyon ang Kongreso sa July 22. | ulat ni Kathleen Forbes