Ibinida ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang naging “phenomenal performance ng sektor ng turismo ng Pilipinas sa nagdaang taon sa ginanap na pagtitipon sa kauna-unahang Philippine Tourism and Hotel Investment Summit.
Dito sinabi ni Sec. Frasco kung paano ang dapat na pagsukat sa tagumpay ng turismo ng bansa na ayon sa kalihim ay hindi lamang sa dami ng bumisita bagkus kung magkano ang kinikita nito mula sa mga turista.
Noong 2023, umabot ang ₱509 bilyon ang investment para sa turismos a bansa katumbas ito ng 34% pagtaas mula noong 2022.
Binigyang-diin ng DOT Chief na nahigitan din ng tourism sectorang kabuuang paglago ng ekonomiya sa 11.7%, kung saan may pinakamaataas na ambag ang na ang sektor ng accommodation sa 51% ng total investment.
Tinukoy din nito ang mahalagang papel ng tourism expenditures, kapwa domestic at inbound. Gayundin ang sa paglikha ng trabaho ng turismo, na ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay nakapag-empleyo may mahigit sa 6.21 milyong Pilipino.
Inihayag din dito ni Frasco ang mga inisyatiba tulad ng Philippine Hotel Industry Strategic Action Plan at mga patnubay para sa Muslim-friendly accomodations.
Nagwakas ang pahayag ni Frasco sa panawagan para sa patuloy na pakikipagtulungan upang palakasin ang posisyon ng Pilipinas bilang isang nangungunang destinasyon ng turismo sa Asya. | ulat ni EJ Lazaro