Aabot sa 265 college student na kalahok ng Tara, Basa! Tutoring Program sa General Santos City ang pinagkalooban ng transportation allowance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Katuwang ang General Santos City Local Government Unit ,bawat estudyante ay nakatanggap ng tig PHP 3,000 kapalit ng kanilang pagdalo sa learning sessions.
Isinagawa ito ng DSWD sa kick-off activity ng ahensya para sa Walang Gutom Information Caravan sa lalawigan.
Ang nasabing Caravan ay naglalayong paigtingin ang kamalayan at kaalaman ng general public sa mga programa ng DSWD.
Nangako naman ang local ifficials at stakeholders na makipagtulungan sa DSWD para sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng ahensya.| ulat ni Rey Ferrer