Hinihimok ng toxic watchdog na BAN Toxics ang mga magulang na maging maingat sa pagbili ng school supplies ngayong nalalapit na ang klase.
Ayon kay BAN Toxic Campaigner Thony Dizon, may ilang produkto ang nagtataglay ng harmful chemicals tulad ng lead at phthalates, na peligro sa kalusugan ng kabataan.
Ilan sa mga ito ang bags, water containers, lunch boxes, notebooks, ballpens at lapis , plastic covers, krayola, erasers, watercolors, at iba pang items tulad ng raincoats at rain gear.
Batay sa market monitoring ng grupo, may ilang school supplies din ang improperly labeled o walang production information.
Anila,may mga inilabas nang guidelines at reminders ang regulatory agencies tulad ng Department of Trade and Industry , Food and Drug Administration at ang Department of Environment and Natural Resources para sa mga costumers sa pagbili ng school supplies. | ulat ni Rey Ferrer