Palalakasin pa ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD – NCR) at ng San Juan City local government ang pagtutulungan para sa pagpapatupad ng Sustainable Livelihood Program.
Isang kasunduan na ang nilagdaan ni San Juan City Mayor Francis Zamora at DSWD-NCR Regional Director Michael Joseph Lorico at iba pang opisyal para dito
Ang partnership na ito ay nagse-selyo ng collaborative efforts sa pagitan ng DSWD sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program at ng San Juan LGU sa pagbuo at pagpapatupad ng mga social protection programs.
Partikular para tugunan ang mga pangangailangan ng mga low-income households, empower citizens, at nagtataguyod ng inclusive growth sa Lungsod.
Binigyang-diin ng pagtutulungan bilang suporta sa sustainability plan ng SLP na naglalayong bawasan ang kahirapan sa Lungsod.
Kasabay ng paglagda sa MOA, pormal ding nilagdaan ang Specific Implementation Agreement at Data Sharing Agreement.
Ang SLP ay isang capacity-building program na tumutulong sa mga mahihina, marginalized, at disadvantaged na mga indibidwal, pamilya, at komunidad. | ulat ni Rey Ferrer