Balik-bansa na ang apat na Filipinna matapos itong pauwiin ng mga awtoridad sa South Korea dahil sa iligal na pagtatrabaho roon.
Sinasabing nakauwi ang mga Filipina sakay noong June 19 lulan ng Jeju Air flight na lumapag sa Mactan Cebu International Airport.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), idinetene ng mga awtoridad ng Korea ang ating mga kabaayan dahil sa pag-overstay ng kanilang tourist visa at magtrabaho roon ng walang kaukulang permit.
Inalok umano ang mga ito ng trabaho ng isang Filipino recruiter sa pamamagitan ng Telegram at inutusang kitain ang isang Koreano na nangako umanong aayos sa kanilang mga dokumento. Pinangakuan din umano ang mga biktima ng buwanang sahod na aabot sa P80,000.
Binigyang babala naman ni BI Commissioner Norman Tansingo ang publiko laban sa mga ganitong modus na nauuwi sa mga problema.| ulat ni EJ Lazaro