Ipinananawagan ng National Privacy Commission (NPC) sa publiko na itigil ang pagpapakalat ng isang video na kumakalat ngayon sa social media na nagpapakita ng pagtutuli ng isang bata.
Sa pahayag na inilabas ng NPC, nagbigay babala ito sa ukol sa pagpapakalat ng mga ganitong sensitibong content ay lumalabag sa karapatan ng bata sa privacy at maaari silang maging biktima ng cyberbullying.
Binalaan ng komisyon na ang hindi awtorisadong pagbahagi ng mga video na may kinalaman sa mga bata ay maaaring magdulot ng seryosong epekto sa kanila.
Hinimok din ng NPC ang mga makakasalubong ng naturang video na agaran itong i-report at huwag nang i-share pa.
Pinapaalalahanan din nito ang mga healtchcare provider na payuhan ang mga magulang at tagapangalaga ng mga bata tungkol sa responsableng paggamit ng social media kapag nagdodokumento ng mga health procedure.
Binibigyang-diin din ng NPC na dapat pangalagaan ng lahat ang privacy at dignidad ng mga bata, at hinihikayat ang publiko na magtulungan para sa isang ligtas na kapaligaran online.| ulat ni EJ Lazaro