Halos 2,000 benepisyaryo ng 4Ps sa Bulacan, naka graduate na sa programa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naka graduate na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang halos 2,000 benepisyaryo nito sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay 4Ps National Program Manager Director Gemma Gabuya, ang bawat pamilyang nakatapos ay nagtagumpay dahil sa kanilang matatayog na pangarap, masugid na pagtataya, makabuluhang pagbabago, at walang-humpay na pagtataguyod.

Ito ang modernong kahulugan ng 4Ps na nagbigay sa kanila ng bagong pag-asa at kinabukasan.

Saksi sa kanilang pagtatapos si Senator Imee Marcos na nagpaabot ng kanyang pagbati at papuri sa 4Ps beneficiaries.

Binigyang-diin din nito ang kanilang sipag at determinasyon sa pag-asenso sa tulong ng suporta mula sa pamahalaan.

Ayon pa sa senator, ang mga nagsipagtapos ay tunay na ebidensiya na tama ang kanyang paniniwala na dapat mapondohan nang sapat ang mga programa ng DSWD, lalo na ang 4Ps. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us