Ipinagmalaki ni Makati Mayor Abby Binay na ang kanilang city-run Ospital ng Makati ay nakapag bigay na ng libreng chemo theraphy sa halos siyam na libong pasyente o 8980 patients simula pa noong 2020.
Ayon kay Binay, layon nila na mabigyan ng tamang pangangalaga sa kalusugan ang kanilang mga residente nang hindi inaalala ang gastusin.
Aniya, kaisa sila ng kanilang mga residnte na labanan ang sakit na cancer.
Giit ni Binay na libre at walang babayaran ang kanilang mga residente sa nasabing benipisyo kahit pa maliit lang ang covered ng Philhealth sa nasabing gamutan.
Paliwanag ng alkalde ang bahagi ng bill na hindi sasagutin ng Philhealth ay papasanin ng lungsod ng Makati para sa kanilang mga pasyente.
Dagdag ng punong lungsod na top priority nila sa Makati ang kalusugan ng kanilang mga residente at desidido sila sa pamahalaan na tanggalin ang financial barriers sa kanilang mga pinakaimportanteng medical services. | ulat ni Lorenz Tanjoco