BCDA, isinasapinal na ang 2 agreement mula sa Japan para sa Smart Development Economic Zones sa Camp John Hay at sa New Clark City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinasapinal na ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang mga nakuhang agreement ng ating bansa para sa mga gagawing Smart Development Economic Zones sa Camp John Hay at sa New Clark City.

Ayon kay BCDA Chief Executive Officer Joshua Bingcang, na sa naturang pagsasapinal ng kasunduan isang memorandum of agreement (MOA) ang nakatakdang pirmahan ng bansang Japan at ng Department of Transportation para sa paglalagay ng mabilis na transportasyon sa mga naturang lokasyon.

Isa na nga rito ay ang paglalagay ng cable car sa Camp John Hay sa Baguio City at iba pang infrastructure projects sa Pampanga.

Sa huli, muling siniguro ni Bincang na magiging maganda ang implikasyon nito sa bansa lalo sa na sektor ng turismo at ekonomiya sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us