Pakikipagtulungan ng rice traders para masigurong maramdaman ang pagbaba ng presyo ng bigas simula Hulyo, pinuri ni Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang pakikiisa ng local traders sa hangarin ng Marcos Jr. Administration na mapababa ang presyo ng bigas.

Sa pakikipagpulong ng House leadership, kapwa nangako ang Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) at Grain Retailers Confederation of the Philippines (GRECON), na ang matitipid mula sa pinababang taripa ng imported na bigas ay titiyakin nilang mararamdaman ng mga Pilipino.

Ani Romualdez, dahil dito inaasahan na bababa sa P42 hanggang P49 ang kada kilo ng bigas sa Hulyo oras na maging epektibo ang Executive Order no. 62.

Tinukoy nito na mula Hulyo hanggang Agosto, papalo sa P45 hanggang P46 ang kada kilo ng well-milled rice na 25 percent broken, at P47 hanggang P48 para sa Premium rice na 5 percent broken.

Positibo rin si Romualdez, na makakamit pa rin ang mas mababa sa P30 kada kilo na presyo ng bigas.

Katunayan ipapatupad na aniya ng National Irrigation Administration ang P29 na presyo ng kada kilo ng bigas pagsapit ng Agosto.

Ang pagsiguro pa ng House leader, prayoridad ng pamahalaan ang mga magsasaka.

Kaya naman maliban sa suporta mula sa Rice Competitiveness Enhancement fund (RCEF) ay isinusulong din ang convergence program para sa irigasyon gayundin ang paggamit ng solar irrigation at fertigation. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us