Nananatiling mataaas ang morale ng mga sundalong Pilipino sa kabila ng mga ilegal at agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).
“I can unequivocally state, masasabi ko na mataas ang moral ng ating mga sundalo. Sa harap nitong mga hamon na ito, lalo silang nai-inspire at paiigtingin nila ang pagpapatupad ng kanilang mga duties. At ang bisita ng ating Pangulo kahapon ay nagsemento ng kanilang morale.” —Sec Teodoro.
Pahayag ito ni Defense Secretary Gibo Teodoro kasunod ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa WESCOM kahapon (June 23) matapos ang pinakahuling agresyon ng China sa Ayungin Shoal kung saan isang PN personnel ang naputulan ng daliri.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na personal na nakausap ng Pangulo ang mga tropa ng pamahalaan na mismong involve sa RORE mission na nakasaksi at nakaranas ng pamba-braso ng China.
“Nalaman ni Presidente ang totoong pangyayari. Na-interview niya isa-isa. Nalaman din niya ang kondisyon nila ngayon, some have injuries. Nakahalubilo niya hindi lamang iyong na-injure pati iyong kanilang mga pamilya. At masasabi ko ulit na mataas ang morale ng ating mga kasundaluhan.” —Secretary Teodoro.
Lalo aniyang na-inspire ang mga ito sa paggampan ng kanilang tungkulin, lalo na sa commitment ng Marcos Administration na suportahan ang dedikasyon ng mga ito.
“The President has said that he could not be prouder of each and every Filipino soldier and, I think all of us Filipinos shared that sentiment.” —Sec Teodoro.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang kalihim sa patuloy na suporta ng mga Pilpino, sa ginagawa ng sandatahang lakas ng Pilipinas, at ng pamahalaan sa mga isyung ito.
“Nagpapasalamat din ako sa mga kababayan natin na patuloy ang suporta sa ating Pangulo sa kanyang policies sa West Philippine Sea at sa ating kasundaluhan. I would like to take special mention to acknowledge the various business groups like Finex Management Association of the Philippines and the like that issued a statement of support, unequivocal support. And today, I would like to thank the Association of Generals and Flag Officers for issuing a statement fully supporting the trust of this administration and praising, ginawa rin ng ating Pangulo ito, the professionalism and restraint in the face of adversity, grave adversity by our troops.” —Sec Teodoro. | ulat ni Racquel Bayan