Pamunuan ng PCG, dinalaw ang pamayanan sa Pag-Asa Island

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita si Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Maritime Affairs Elmer Sarmiento sa Pag-Asa Island, Kalayaan, Palawan.

Ayon sa inilibas na impormasyon ng Philippine Coast Guard, kasama ni Sarmiento si PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu kung saan kinumusta nila ang kalagayan ng mga tauhan ng PCG na naka-destino sa isla, gayundin ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Usec. Sarmiento taos-puso ang pasasalamat niya sa malugod na pagtanggap sa kanila, lalo na ng mga residente ng Pag-asa Island.

Samantala, pinuri naman ni CG Admiral Abu ang pagbabayanihan at pagkakaisa sa hanay ng PCG, AFP, at PNP.

Umaasa ang komandante na mananatili sa isip at diwa ng bayanihan at teamwork habang masayang nagseserbisyo para sa bansa.

Namahagi din ng regalo ang mga opisyal sa mga kabataan sa isla, kasama si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Rafael Alunan III. | ulat ni Lorenz Tanjoco

?: CG SN1 AJB Bokingkito / CGPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us