Dapat ay igalang na lang ang desisyon ni Vice President Sara Duterte na umalis sa gabinete.
Ito ang tugon ni Speaker Martin Romualdez nang mahingan ng reaksyon sa pagbibitiw ng bise bilang kalhim ng Department of Education (DepEd) at Chairperson ng NTF-ELCAC.
Ayon sa lider ng Kamara, sinabi na ng bise presidente na ito ay kaniyang personal na desisyon at dapat ay igalang na lang ito.
“As the Vice President mentioned, I think this was her personal decision, and we respect the decision po.” sabi ni Romualdez
Patuloy naman na hangad ni Romualdez ang ikatatagumpay ni VP Sara sa lahat ng kaniyang mga gawain lalo na ang pagbibigay serbisyo sa mga Pilipino.
“As the Vice President mentioned, I think this was her personal decision, and we respect the decision po.” dagdag ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes