Illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa South Korea, huli sa ikinasang operasyon ng CIDG at DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado sa ikinasang joint operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Department of Migrant Workers (DMW) sa NAIA Terminal 3 ang illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa South Korea.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Nenita Yumol Sangullas.

Ayon sa mga biktima, pinangakuan sila ni Sangullas ng trabaho bilang seasonal farm worker sa Jeju Island, South Korea kapalit ng P150,000 na processing fee.

Nangako raw ang suspek na mapabibilis ang kanilang pag-alis at makakatanggap sila ng buwanang sahod na P80,000.

Gayunpaman, matapos ang ilang buwang paghihintay natuklasan ng mga biktima na walang lisensya ang suspek para mag-recruit ng mga manggagawa sa ibang bansa.

Ang suspek ay kasalukuyan nang nakakulong sa CIDG detention facility sa Camp Crame at mahaharap sa kasong large-scale illegal recruitment at estafa.

Tiniyak ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na tututukan ng ahensya ang kaso at bibigyan ng libreng tulong legal ang mga biktima.

Nananawagan din ang DMW sa iba pang posibleng biktima ng suspek na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang makapagsampa ng kaso. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us