DMW, tiniyak na nasa ligtas nang kalagayan ang Filipino seafarers na sakay ng MV Transworld Navigator na inatake ng grupong Houthi sa Red Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ligtas ang 27 mga tripulanteng Pilipino na sakay ng MV Transworld Navigator matapos ang pag-atake ng Houthi sa Red Sea.

Ayon kay Secretary Cacdac, bagamat tatlong beses na pinuntirya ng missile ng Houthi, hindi napuruhan ang barko at ligtas ang lahat ng mga Filipino seafarer.

Sa ngayon, nagpatuloy ang paglalayag ng barko patungo sa isang port sa Africa.

Tiniyak naman ng kalihim na agad na iuuwi ang mga seafarer pagdating nito sa ligtas na daungan.

Naabisuhan na rin aniya ang pamilya ng mga apektadong seafarer tungkol sa insidente at ang kalagayan ng mga ito. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us