Nakatanggap ang National Amnesty Commission (NAC) sa pamamagitan ng Local Amnesty Board (LAB) sa Cotabato at sa tulong ng 6th Infantry “Kampilan” Division (6ID), ng 62 bagong aplikasyon para sa amnesty program ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa NAC, ang mga bagong aplikante ay mula sa CPP-NPA-NDF, na karamihan ay mga katutubo mula sa South Cotabato at Sultan Kudarat.
Nasa 55 sa mga ito ang personal na naghain ng kanilang aplikasyon, lima ang kasalukuyang nasa “detention,” at pito ang ni-represent ng kanilang mga abogado.
Ayon kay NAC Commissioner Atty. Nasser Marohomsalic, ang pagsusumite ng huling batch ng mga aplikante ay nagpapakita ng positibong pagtanggap at kumpiyansa ng mga dating rebelde sa amnesty program ng pamahalaan.
Sinabi ng opisyal na inaasahan ng NAC na mas marami pa ang mag-aaply para sa amnestiya, sa patuloy na isinasagawang “orientation seminar” ng NAC tungkol sa Amnesty Program sa iba’t ibang mga tukoy na kampo ng mga dating rebelde na saklaw ng programa. | ulat ni Leo Sarne
📸: NAC