Nakikiisa si Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ompong Ordanez sa panawagan na magbitiw sa pwesto si National Commission of Senior Citizens Chair Franklin Quijano.
Kamakailan, naglabas ng manifesto ang limang commissioners ng NCSC para sa pagre-resign ni Quijano sa pwesto dahil umano sa graft and corruption.
Ayon kay Ordanez, hindi lang dapat mag-resign si Quijano, bagkus dapat siyang sampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman.
Sa manifesto na inilabas ng limang commissioners, inakusahan nila si Quijano na binabalewala umano nito ang “collegial body,” abuso sa kapangyarihan, gross negligence of duty, two acts of ignorance of the law, at conduct inimical to the interest of the public.
Ayon pa sa mambabatas ilan sa mga akusasyon kay Quijano ay mula sa findings ng House Joint Committee Report.
Nakalulungkot din aniya na karamihan sa mga findings ng Congressional Committee Hearing ay patuloy na isinasawalang bahala lamang ni Quijano. | ulat ni Melany Valdoz Reyes