Iba’t ibang coconut products, tampok sa Kadiwa pop up sa Philippine Coconut Authority

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aarangkada simula ngayong araw ang NIYOGosyo sa Kadiwa sa tanggapan ng Philippine Coconut Authority (PCA) bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-51 anibersaryo ng ahensya.

Magbubukas ito simula mamayang alas-8 ng umaga sa PCA Covered Court, Elliptical Road, Diliman, Quezon City at tatagal hanggang sa Huwebes, June 27.

Ayon sa PCA, kasama sa itatampok rito ang iba’t ibang locally produced coconut products kabilang ang coconut juice, coconut sugar, VCO, coconut coffee, at iba pa.

Bukod dito, magkakaroon din ng bentahan ng mga sariwa at murang agricultural produce, gaya ng gulay, prutas, dairy, itlog, fresh at frozen seafood, at ilan pang ready-to-eat at made-to-order snacks. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us