Nakasuporta ang Kamara sa pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na idaan sa “peaceful settlement” ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez bilang ang Presidente ang Chief Foreign Policy Architect ay susuportahan nila ang kaniyang mga polisiya.
Gayunman, aminado si Romualdez na nakakalungkot ang pagiging agresibo ng China.
“We stand by the President’s statements, he’s our Chief Foreign Policy Architect. We support him 100 percent on that score. His statements are known to all, he says we shall be a friend to all and enemy to none — although we are saddened very much by our neighbors’ actuations, we are very saddened by China’s very aggressive behavior,” sabi ni Romualdez.
Nagkaroon aniya siya ng pagkakataon na ipaabot sa Chinese ambassador sa vin d’honneour noong Independence Day ang pagkadismaya at pagtutol sa agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard at Chinese People’s Liberation Army (PLA) Navy assets.
Umaasa rin si Romualdez na hindi na maulit pa ang insidente kung saan may isang Pilipinong sundalo na naputulan pa ng daliri.
Pero paalala ng House leader na bagamat patuloy ang panawagan sa China na itigil ang panggigipit sa atin, hindi dapat maging batayan ng relasyon ng Pilipinas at China ang hindi pagkakasundo sa West Philippine Sea.
“I believe that we can all share the sentiment that China should lessen its aggression. Let us deescalate these tensions. And let us not make these disagreements and these conflicts in the West Philippine Sea define the totality of the relationship between China and the Philippines. There are many other facets of the relations between China and the Philippines. Let us celebrate those common grounds, those common interests and common values, let us agree that we can disagree, but let us not be disagreeable with one another,” dagdag pa ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Jean Forbes