Mas mataas na budget sa 2025 ang ihihirit ng Department of Agriculture (DA) para sa pagpapalawak ng post-harvest facilities at farm-to-market roads sa bansa.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, kasama ito sa istratehiya ng kagawaran para matugunan ang production losses sa mga sakahan.
Kabilang sa budget proposal ng DA ang ₱13.1-billion pondo para sa post-harvest machinery, equipment, at facilities.
Higit na mas doble ito kumpara sa kasalukuyang pondo na ₱4.2-billion.
Bukod sa mga post-harvest facilities, isinusulong din ng DA ang ₱50-billion pondo para sa farm-to-market roads (FMR) projects.
Ayon sa DA, kailangan ito para mapabilis ang 100-taong panahon para makumpleto ang major infrastructure projects sa bansa, kabilang ang FMRs.
Kasama rin sa prayoridad ng DA ang higit ₱200-billion pondo na ilalaan para sa irrigation projects na pangungunahan naman ng National Irrigation Administration (NIA). | ulat ni Merry Ann Bastasa