Senate Majority Leader Francis Tolentino, tiwalang makakapasa ang ROTC sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Senate Majority Leader Francis Tolentino na may sapat nang numero ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Bill para makapasa sa Senado.

Sinabi ni Tolentino na naniniwala siyang nakarating na sila sa lebel ng suportang makapagbubuhay muli sa mandatory ROTC.

Pinunto ng Majority leader na ang layunin ng isinusulong nilang ROTC bill ay ang hikayatin at linangin ang disiplina at pagmamahal sa bayan ng mga kabataang Pilipino.

Nilinaw ng senador na hindi nito layong ihanda ang Pilipinas sa giyera sa kabila ng timing nito ngayon sa nangyayari sa West Philippine Sea (WPS).

Aniya, mahalaga ang pagsasabatas ng panukalang ito sa national interest ng Pilipinas, mayroon man o walang conflict sa WPS.

Kaugnay nito, pinahayag ni Tolentino na makakasama ang ROTC bill sa agenda ng magiging pagpupulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bukas, June 25.

Matatandaang naipasa na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang ROTC bill. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us