Filipino seafarers, may libreng sakay sa MRT-3 ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

May alok na libreng sakay ang MRT-3 sa mga marino ngayong araw, June 25, bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, ang libreng sakay ay pagbibigay pugay sa sakripisyo ng mga marino at pagkilala sa malaking kontribusyon ng mga ito sa ekonomiya ng bansa.

Maaaring ma-avail ang free ride sa buong oras ng operasyon ng MRT-3.

Kailangan lamang magpakita ang mga ito ng Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB) o PRC ID sa ticket seller o security personnel ng mga istasyon.

Ang unang biyahe ng tren sa North Avenue Station ay 4:30 a.m. at 5:05 am naman sa Taft Avenue Station. Samantala, ang huling biyahe sa North Avenue Station ay bandang 9:30 p.m. at 10:09 p.m. naman sa Taft Avenue Station. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us