Malabon LGU, namahagi ng hygiene kits, food packs sa mga lugar na apektado ng pagbaha sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-ikot ang mga tauhan ng Malabon City Social Welfare Development Department (CSWDD), City Health Department (CHD), at Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa ilang brgy sa lungsod para magpaabot ng tulong sa mg residenteng patuloy na naaapektuhan ng mga pagbaha dulot ng malfunction sa Malabon-Navotas River navigational floodgate.

Kabilang sa ipinamahagi ng mga ito ang hygiene kits at food packs sa mga residente sa Barangay Flores.

Nagsagawa rin ang City Health Department ng Medical Mission upang bigyan ng libreng konsulta ang mga residenteng apektado ng nasirang flood gate.

Bukod dito ang bawat isa ay nakatanggap din ng libreng gamot, spray protection for mosquito at libreng capsule para sa leptospirosis.

Personal ding kinamusta ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang mga pamilyang naapektuhan ng baha at tiniyak sa kanilang patuloy ang suporta ng pamahalaang lungsod upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Matatandaang nakipagpulong na ang alkalde kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Don Artes at Navotas City Mayor John Rey Tiangco para agarang makumpuni ang nasirang navigational gate. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Malabon LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us