Tumaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Marikina Public Market.
Ang Baka, tumaas ng ₱20 mula sa dating ₱380, ngayo’y nasa ₱400 na; sa Baboy, ₱310 ang kada kilo ng Kasim habang nasa ₱370 ang kada kilo ng Liempo.
Sa Manok, nasa ₱170 ang whole chicken habang nasa ₱220 naman ang choice cuts; sa isda, nasa ₱140 ang kada kilo ng Bangus, ₱100 ang kada kilo ng Tilapia, habang ang Galunggong naman ay ₱160 ang kada kilo.
Bahagyang tumaas din ng ₱5 hanggang ₱10 ang kada kilo ng ilang gulay gaya ng Ampalaya na nasa ₱90 ang kada kilo, Sitaw ay nasa ₱70 ang kada kilo, at Perchay Tagalog ay nasa ₱110 kada kilo.
Kalabasa ay nasa ₱45 kada kilo, Talong ay nasa ₱50 ang kada kilo, Kamatis ay nasa ₱80 kada kilo.
Repolyo ay nasa ₱60 ang kada kilo, Carrots ay nasa ₱80 kada kilo, Patatas ay nasa ₱90 kada kilo, at Pechay Baguio ay nasa ₱70 kada kilo.
Sibuyas ay nasa ₱80 kada kilo sa pula, habang ₱60 naman ang kada kilo sa puti. | ulat ni Jaymark Dagala