Publiko, hinikayat ng OCD na gamitin ang Hazard Hunter PH app

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling hinikayat ng Office of Civil Defense (OCD) na gamitin ang Hazard Hunter PH app na nagbibigay ng hazard information at assessment upang matukoy ang distansya ng isang ari-arian mula sa mapanganib na lugar.

Ito’y isang web based application na magsisilbing gabay upang matukoy kung ang isang bahay o ari-arian ay nasa mapanganib na lugar gaya ng fault line, malapit sa bulkan at nasa danger zone.

Ayon sa OCD, layon nito na bigyang kamalayan ang publiko sa mga tinatawag na natural hazard upang mahikayat ang mga ito na magplano.

Makatutulong ito sa mga property owner gayundin sa mga nagbabalak bumili ng lupain, land developer, planner at iba pa na tukuyin ang mapanganib na lugar para sa kanilang planong investment.

Sa ganitong paraan ayon sa OCD, mapabababa ang tsansa ng pagkakaroon ng casualties na siyang epekto ng mga nagbabantang panganib.

Pormal itong ipakikilala ng OCD sa 2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isasagawa sa June 28, ganap na alas-2 ng hapon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us