Junkshop sa Valenzuela na walang permit, ipinasara ni Mayor Wes Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad ipinasara ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang isang junk shop sa isang residential subdivision sa Barangay Bignay matapos madiskubreng wala itong business permit.

Ayon sa alkalde, inimbestigahan ang junkshop bilang tugon sa mga natanggap na report ng kanyang opisina.

Nang bisitahin ito, nakita ang iba’t ibang paglabag kasama pa ang Violation of Zoning Ordinance kaya ito ay hinainan ng Immediate Closure of Business.

Kasunod nito, muling iginiit ni Mayor Wes na hindi nito pinalalampas ang mga paglabag kagaya nito.

Hinikayat rin ng alkalde ang mga residente na agad makipag-ugnayan sa City Business Inspection and Audit Team (CBIAT) sa 8352-1000 kung may nais i-report na mga establisimyento na lumalabag sa mga ordinansa ng lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Valenzuela LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us