Labis na ikinababahala ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang napaulat na data breech sa customer information ng Jollibee Foods Corporation lalo na para sa mga senior citizen na parokyano ng naturang food chain.
Batay sa report, kasama sa mga nakuhang impormasyon ng mga customer ang pangalan, address, contact number, at ID na maaaring magamit sa pekeng transaction at identity theft.
Maliban dito, maaari din aniya itong ibenta sa mga sindikato at mauwi sa pangingikil.
Dahil naman dito, umaasa ang mambabatas na tuluyan nang mapagtibay ang Anti-Financial Accounts Scamming Act na isa sa LEDAC priority measures ng pamahalaan.
Paalala ng mambabatas na madalas na nagiging biktima ng mga scammer ang mga nakatatanda lalo na at hindi sila pamilyar sa makabagong teknolohiya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes