Sinelyuhan na ng Commission on Election at Private Contractor ang ang kontrata para sa Online Voting ng Overseas Filipino sa 2025 Midterm election.
Ang Joint Venture na SMS Global Technologies at Sequent Tech Inc ang nakakuha ng kontrata para sa 112 million pesos para maisakatuparan ang Online Voting and Counting System para makaboto ang mga OFW.
Sa isinagawang ceremonial signing sa Comelec, mismong sina Chairman George Erwin Garcia at Commissioner Aimee Ferolino ang kumatawan para sa Comelec.
Sina Mr. Anthony Christian Angeles at Eduardo Robles naman na parehong mga Chief Executive Officer ang pumirma sa kontrata para sa panig ng SMS Global Technologies Inc at Sequent Tech Inc.
Umaasa ang Comelec, sa pamamagitan ng online voting ay mapapataas nito ang voters turn out sa 2025 Midterm election.
Sa pagboto ng mga OFW, passport at cellphone lamang ang kakailanganin nila upang makapag online voting.
Kapwa naman tiniyak ng Comelec at Joint Venture na SMS Global Technologies Inc at Sequent Tech Inc, hindi madadaya ang online voting.
Sa ngayon ay nasa 1.7 million ang Overseas Filipino registered voters at posibleng madagdagan pa ito dahil sa nagpapatuloy na voters registration.
Samantala, hinihikayat din ng Comelec nag mga undocumented OFW na bomoto rin dahil wala naman magiging epekto sa kanilang estado ang online voting sa abroad. | ulat ni Michael Rogas