Naniniwala ang Credit Rating Agency na S&P Global na mananatiling second fastest growing economy pa rin ang Pilipinas sa Asia Pacific region sa kabila ng growth forecast cut.
Ginawa ng S&P Global ang pahayag kasunod ng kanilang pagbawas sa inaasahang paglago ng gross domestic product.
Mula 5.9 percent ito ay ginawang 5.8 percent gdp forecast growth for 2024 habang 6.1 percent naman mula 6.2 percent growth para sa taong 2025.
Paliwanag ng credit rating agency ito ay dahi sa mataas na interest rate na nagpapaliit ng domestic demand.
Base sa growth projection, parehas ng bansang Vietnam na nasa 5.8 percent growth habang nasa 6.8 percent naman ang bansang India.
Para sa taong 2025.. inaasahang pangatlo ang Pilipinas sa pinakamalagong bansa sa rehiyon na may 6.1 percent growth.
Dagdag pa ng S&P mainam na palakasin ng bansa ang export industry na pabor sa mataas na interest at dollar rate. | ulat ni Melany Reyes