Palalakasin pa ng Department of Agriculture ang agricultural cooperation sa pagitan ng South Korea para sa agricultural modernization efforts para sa Pilipinas.
Sa kanyang pagbisita sa South Korea kasama ang delegasyon mula sa DA, hinikayat ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang Korea Agricultural Machinery Industry Cooperative (KAMICO) na ituloy ang pagpapatayo ng Korea Agriculture Machinery Complex (KAMIC) sa Pilipinas.
Sa ilalim ng CREATE Law, makaka avail ng insentibo ang KAMICO kabilang ang exemption mula sa local taxes at business permit para sa isang partikular na panahon.
Kasama dito ang duty exemptions sa mga pag-import ng capital equipment, hilaw na materyales, at ekstrang bahagi na nakabalangkas sa Strategic Investment Priority Plan ng 2022.
Ang mga produktong inangkat sa ilalim ng KAMIC project ay makikinabang mula sa paborableng tariff arrangements sa ilalim ng CREATE Law.
Dagdag pa dito ang plano ng DA na magtatag ng agriculture machinery institute sa Pilipinas.
Samantala,ikinokonsidera ng kalihim ang potential locations para sa KAMIC ang lalawigan ng Nueva Ecija o Quezon province. | ulat ni Rey Ferrer