Isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang high-value target ng Taguig police.
Huli ng pwersa ng Taguig police ang isang high-value target sa pamamagitan ng isang buy-bust operation na naglalayon na labanan ang illegal drug activities sa bansa.
Ayon sa Southern Police District, kinilala ang suspek na si alyas Abel, 39 taong gulang.
Naaresto si Abel sa Brgy. Upper Bicutan, Taguig City kung saan nakumpiska dito ang 150 gramo ng ‘white crystalline substance’ na pinaghihinalaang shabu at may estimate street value na ₱1,020,000.00.
Nahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa Sections 5 and 11 ng Article II of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Sa kasalukuyan, ang suspek at ang mga nakumpiskang item ay nasa kustodiya ng pulisya para sa tamang disposisyon at filing ng mga complaint. | ulat ni Lorenz Tanjoco