Higit 13,000 trabaho para sa mga Pilipino, inaasahang malilikha mula sa mga pamumuhunang pumasok sa bansa ngayong 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang 13,871 mga bagong trabaho na mabubuksan para sa mga Pilipino kasunod ng higit P640 billion na halaga ng pamumuhunan sa Pilipinas na inaprubahan ng Board of Investments (BOI), mula Enero hanggang Mayo ngayong 2024.

“For the first five months, nakita namin muli iyong kumpiyansa at tiwala ng mga Pilipinong mamumuhunan sa atin. So, parang nasa 82% po ng total approved investments namin ay mga Pilipino po iyon. But kung pag-uusapan po natin ang mga banyaga, nanggaling po ito sa Switzerland, sa Netherlands, sa Singapore, sa Taiwan at sa Amerika – iyon po iyong five top sources po ng investments natin para sa unang limang buwan po ng taon.” —Cagatan

Mas mataas ito ng 14 percent kumpara sa P562.9 billion investment approval sa kaparehong mga buwan, noong 2023.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BOI Investment Promotion Services Executive Director Evariste Cagatan, na karamihan sa mga ito ay mula sa linya ng renewable energy, agrikultura, real estate, transportation, at manufacturing.

Ang Pilipinas aniya, patuloy na ipinu-posiyon ng pamahalaan bilang hub para sa smart at sustainable manufacturing at services.

Sabi pa ng opisyal, malaking bagay ang patuloy at mabilis na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas na siyang nagi-enganyo aniya sa mga dayuhang mamumuhunan na maglagak ng investment sa bansa.

“Isa tayo sa pinakamabilis na paglago ang ekonomiya dito sa rehiyon natin. And ito ay isa sa mga isinasaalang-alang ng mga mamumuhunan kapag naghahanap sila kung saan sila maglalagak ng puhunan. At malaking bagay din na ang ating pangulo ang siyang nangunguna sa panghihikayat ng mga mamumuhunan na banyaga para tingnan ang mga opportunities na mayroon dito sa Pilipinas.” —Cagatan | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us