Sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer ngayong araw, binigyang-diin ng Department of Transportation (DOTr) ang mahalagang papel ng mga Pilipinong marino sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Sa mensahe ni Transportation Secretary Jaime Bautista, tiniyak ng DOTr ang pangangalaga sa mga karapatan, seguridad sa trabaho, at kapakanan ng mga marino.
Kinilala rin ng DOTr ang mahalagang papel ng mga seafarer sa shipping industry.
Kasabay ng pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer, nanumpa ang 79 na mga bagong Harbor Pilots, Chief at Second Engineer Officers, Master Mariners, Officers-in-Charge of a Navigational at Engineering Watch.
Samantala, hinikayat din ni Secretary Bautista ang mga opisyal at stakeholders ng industriya na bigyang-pansin ang adbokasiya ng DOTr tungo sa sustainable transportation, lalo na sa gitna ng digitalization at decarbonization ng maritime industry. | ulat ni Diane Lear