Aminado si Defense Secretary Gilbert Teodoro na pag-aatubili siyang magkaroon ng military to military discussion sa China kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.
Paliwanag ni Teodoro, hindi pa niya nakikitaan ng good faith ang China para magkaroon ng maayos na diskusyon sa ating militar.
Posible rin kasi aniyang gamitin ng China ang military to military talks para samantalahin ang sitwasyon at lalong i-harass ang tropa ng Pilipinas.
Dinagdag rin ng kalihim na mahirap maging kampante na magiging patas sila sa lahat ng playing filed hangga’t hindi nakikitaan ng trust and confidence ang China.
Samantala, maging ang Defense Secretary ay naniniwalang hindi aksidente ang panibagong insidente sa Ayungin Shoal.
Para sa kalihim, sinadya ang agresibong aksyon na ito ng China. | ulat ni Nimfa Asuncion