Speaker Romualdez, nangakong maipapasa ang nalalabing tatlo sa 28 LEDAC bills na target aprubahan bago magtapos ang 19th Congress

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ito ang sinabi ng House leader kasunod ng naging LEDAC meeting na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang.

Ang tatlong panukala na ito ay ang amyenda sa Foreign Investors’ Long-Term Lease Act, amyenda sa Agrarian Reform Law (for Committee Deliberations) at amyenda sa EPIRA (under Technical Working Group/Committee Deliberations).

Limang bagong panukalang batas din ang idinagdag sa LEDAC kaya naman mula sa 59 ay umakyat na sa kabuuang 64 priority LEDAC measures.

Kabilang dito ang 1. Amyenda sa Foreign Investors’ Long-Term Lease Act (No Bill Filed), 2. Amyenda sa Agrarian Reform Law (For Committee Deliberations), 3. Archipelagic Sea Lanes Act (3rd Reading), 4. Reporma sa Philippine Capital Markets (3rd reading), at 5. Amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL) (3rd reading).

“Most of the bills (25) are already in their final stages and approved by the House of Representatives. We are committed to approving the remaining three of the twenty-eight measures named during our LEDAC meeting with President Bongbong Marcos, Senate President Chiz Escudero, and other officials. These legislative measures are crucial to the country’s development agenda,” sabi ni Speaker Romualdez

Ayon kay Romualdez, binigyang diin ng Pangulong Marcos na mahalagang maaprubahan ang naturang mga panukala na makatutulong sa pag-unlad ng bansa at upang matugunan ang mga mahahalagang hamong hinaharap ng bansa.

“The President has emphasized the importance of passing these measures to advance the policies of the Marcos administration for the country’s continued economic recovery, progress, and stability of our nation,” sabi ni Speaker Romualdez

Positibo rin si Romualdez na makakamit ito dahil sa pinaigting na ugnayan at relasyon ng Kamara at Senado sa pamumuno ng bagong Senate President Chiz Escudero.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us