Filipino seafarers, di na papayagang sumakay sa mga barko na sangkot sa mga pag-atake ng grupong Houthi sa Red Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na papayagan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Filipino seafarer na muling sumakay at maglayag sa mga barkong sangkot sa mga pag-atake ng grupong Houthi sa Red Sea.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nagpapatuloy ang pagkikipag-usap ng DMW sa mga maritime stakeholder kaugnay sa security assessment ng mga barkong naglalayag sa nasabing lugar.

Kabilang aniya sa hakbang ng ahensya ang pagbabawal sa mga Filipino seafarer na sumakay at muling maglayag sa mga barkong pag-aari ng Galaxy Leader, True Confidence, at Tutor na pawang sangkot sa mga major attack.

Sinabi ni Secretary Cacdac, na magkakaroon ng affirmation letter ang DMW sa mga principal at shipowner ng nasabing mga barko na hindi na nito papayagan sumakay ang mga Filipino seafarer lalo na’t kung ito ay dadaan sa Red Sea at Gulf of Aden.

Kapag napatunayang lumabag ang mga principal at shipowner ay papatawan ito ng parusa.

Samantala, kinakailangan na rin magsagawa ng threat at risk assessment ng mga principal at shipowner kung ito ay dadaan sa mga nasabing ruta.

Nagsasagawa na rin ng security measure ang DMW gaya ng pagkakaroon ng maritime security presence sa lugar, at nakikipagtulungan na rin sa mga security expert para matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga Filipino seafarer. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us