Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang Philippine Digital Infrastructure Project.
Layong ng proyekto na palakasin ang koneksyon sa internet sa buong bansa, lalo na sa mga liblib na lugar, at paigtingin ang cybersecurity.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan, ang proyektong ito ay magbubukas ng maraming oportunidad para sa mga Pilipino, mula sa work-from-home arrangements hanggang sa digital access sa mga mahahalagang serbisyo.
Nakapaloob ang proyekto sa National Broadband Program ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na kabilang sa mga flagship project ng administrasyong Marcos.
Ang Philippine Digital Infrastructure Project ay mayroong pondo na PhP16.1 bilyon mula sa World Bank na inaasahang magpapabuti sa broadband connectivity ng bansa at magdadala ng high-speed internet connection kahit sa mga malalayong lugar.| ulat ni Diane Lear