Bagong cancer center sa Maynila, pinasinayaan ni Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang limang palapag na Gov. Benjamin Romualdez Cancer Center sa Ospital ng Maynila ay isa sa mga legacy project ng Marcos Jr. administration.

“The President’s vision is clear: no Filipino should have to choose between their health and their livelihood. The establishment of cancer centers, like the one we inaugurated, is a testament to President Marcos’ commitment to this cause,” sabi ni Romualdez

Ayon sa House leader, isang malaking karangalan na ipangalan ang naturang cancer center sa kaniyang namayapang ama na lumaban din sa sakit na cancer.

“I have first-hand knowledge on this (cancer), losing my father to this dreaded disease. Here and now, I commit to fully support the completion of this medical facility that bears his name,” anang House Speaker

Ang naturang cancer center ay mayroong 38 bed capacity at  state-of-the-art medical technology, gaya ng Linear Accelerator, Spect Gamma Camera na may Treadmill Machine at CT Scan.

Paglilinaw naman ni Speaker Romualdez na hindi lang basta gusali ang ospital ngunit bubuoin din ito ng mga epesyalista, staff at iba pang manggagawa na siyang magsisilbi sa pangangailangan ng mga pasyente mula Maynila at karatig lugar.

Kasabay nito ay pinasalamatan ng House leader mga opisyal na tumulong para maisakatuparan ang cancer center gaya ni Manila Mayor Honey Lacuna, DPWH Secretary Manuel Bonoan, at mga lider ng Kamara na sina Rep. Yedda K. Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, at House appropriations committee chair Zaldy Co.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us