PSA, naghigpit na sa guidelines sa mga aplikante ng late birth registration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ngayon sa publiko ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa karagdagang guidelines sa pagproseso ng late birth registration.

Nakasaad ito sa inilabas na memo circular ni PSA National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa na epektibo na noong June 12, 2024.

Sa naturang memo, mandatory ang personal appearance sa City/Municipal Civil Registrar (C/MCR) ng mga aplikanteng nasa edad 18 pataas, habang nanay o magulang naman ang haharap kung menor de edad pa ang kukunan ng late birth registration.

Magkakaroon din ng karagdagang requirements para sa delayed registration kabilang ang Barangay Certification na inisyu ng Punong Barangay bilang proof of residency; National ID; dalawang documentary evidence na nagpapatunay ng pagkakakilanlan ng magulang kabilang ang government issued ID, o Marriage Certificate at unedited na latest photo ng registrant na ikakabit sa application.

Para sa registrant na ang magulang ay isang foreigner, kailangan ding magsumite ng Certificate of Marriage ng magulang (marital child); Birth Certificate ng magulang at Valid Passport o BI Clearance Certificate o ACR I-Card ng foreign parent.

Habang sa non-marital children na mag-a-avail ng RA No. 9255 o Acknowledgement under the Civil Code, kasama sa hihingin na ring requiremnts ang Affidavit of Admission of Paternity at/o Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF) under Republic Act No. 9255.

Matapos na matanggap ang aplikasyon, magkakaroon ng evaluation ang City/Municipal Civil Registrar kung totoo ang mga pahayag na ginawa sa mga Sinumpaang Salaysay at kung authentic ang mga isinumiteng dokumento sa pamamagitan ng isang personal na panayam sa aplikante o kung kinakailangan, pagsasagawa ng isang pagbisita sa barangay kasama ang Barangay Chairman kung saan nakatira ang nag-aaply upang kumpirmahin ang mga pahayag na ginawa sa affidavit.

Inaatasan na ng PSA ang lahat ng Local Civil Registry Offices nito na tumalima sa naturang kautusan.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us