Tag-ulan, nakaapekto sa presyuhan ng Bangus sa mga pamilihan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniuugnay ang panahon ng tag-ulan sa paggalaw ng presyo ng ilang isda sa pamilihan partikular na ng Bangus.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Marikina Public Market, naglalaro na sa ₱240 hanggang ₱260 ang kada kilo ng sariwang Bangus.

Habang may nagtitinda naman ng ₱200 hanggang ₱220 kada kilo subalit hindi na ito bagong hango.

Ayon sa mga nagtitinda ng isda, kanilang sinabi na namamatay ang mga Bangus kapag malakas ang ulan.

Idagdag pa rito ang paglalasang gilik ng mga Bangus dahil sa pabago-bagong klima.

Una nang inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tinitingnan na nila ang dahilan ng pagtaas ng Bangus pero malaki ang posibilidad na may epekto ang tag-ulan dito.

Pinalalakas naman ng Department of Agriculture (DA) ang industriya ng Aquaculture sa bansa para masigurong sapat naman ang suplay ng isda. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us