Driver’s license ng tsuper na nag-body shame ng pasahero, pinasususpinde na; operator ng jeep, pinagmumulta rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inirekomenda na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) na agad suspendihin ang driver’s license ng tsuper ng jeep na namahiya at nag-body shame sa isang pasahero noong June 7.

Batay ito sa inilabas na desisyon ng LTFRB NCR kahapon, June 25, matapos ang isinagawang pagdinig at imbestigasyon sa nangyari.

Pinagmumulta rin ang operator ng jeep ng ₱5,000 para sa pagkuha ng drayber na bastos, ₱5,000 sa kabiguang maghatid ng pasahero at karagdagan pang ₱5,000 sa paglabg sa MC 2023-016.

Nakasaad sa desisyon na malinaw na nagkamali ang driver, ang kanyang konduktor, pati na rin ang operator.

Ayon sa LTFRB, nararapat lang na patawan ng mabigat na parusa ang drayber at kundoktor dahil sa kahihiyan at pang-aabuso na dinanas ng pasahero.

Nag-ugat ang isyu mula sa post ng pasaherong si Joy Gutierrez na pinababa umano ng driver ng jeep na kaniyang nasakyan, dahil sa kanyang pangangatawan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us