4 na buwan bago magsimula ang paghahain ng kandidatura para sa 2025 mid-term elections, nagsimula nang maghanda para rito ang Philippine National Police (PNP).
Layon nito ayon sa PNP na malansag agad ang mga Private Armed Group (PAG), sindikato ng iligal na droga at mapigilan din ang pagkalat ng mga loose firearm.
Kasunod nito, inatasan ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang mga Commander nito sa ground na makipag-ugnayan sa mga Lokal na Pamahalaan para paigtingin ang kanilang pagbabantay sa mga ituturing na “hotspot” areas.
Palalakasin din ng PNP ang community awareness programs nito upang mahikayat ang publiko na magsumbong ng mga kahina-hinalang aktibidad.
Dahil dito, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo na magdaragdag sila ng mga Pulis sa matutukoy na election areas of concern ng COMELEC. | ulat ni Jaymark Dagala