Nagpulong sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen para sa posibleng pagtutulungan sa Risk Resiliency Program na Project LAWA at BINHI.
Ito ay para mapalawak ang programa na layong matulungan ang mga benepisyaryo sa maayos na pagpapatupad ng proyekto at mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga solusyon upang matugunan ang kakulangan sa tubig at pagkain na dulot ng climate change.
Kasama sa tinalakay ng dalawang opisyal ang sustainability ng dalawang programa sa tulong ng technical expertise ng NIA partikular sa pagtatayo ng water irrigation.
Tiniyak naman ng DSWD at NIA na seselyuhan sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang partnership ng dalawang ahensya. | ulat ni Merry Ann Bastasa