Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang papel na ginagampanan ng mga kabalikat ng pamahalaan, sa pag-abot ng Marcos Administration ng isang Bagong Pilipinas, kung saan walang Pilipino ang gutom.
“Each and every one of us can contribute to the success of our campaign against hunger. If we are truly to succeed in this endeavor, we must put in a whole-of-nation approach to create a lasting solution to this great challenge. I call upon our government and our partners from the private sector, from the non-profit organizations, citizens, our friends from the international community, and citizens to work together as a united front and Walang Gutom advocates.” -Pangulong Marcos.
Sa Walang Gutom Awarding ceremony sa Malacañang, ngayong araw (June 26), sinabi ng Pangulo na batid ng pamahalaan ang mga hamong hadlang, sa pagabot ng mithiing ito.
Gayunpaman, nakikita ng pamahalaan ang potensyal upang mabago ang sitwasyon ng bansa, pagdating sa antas ng kagutuman.
Nariyan aniya ang mga non-government organization, diplomatic corps, international agencies, at social workers, na naka-alalay sa pamahalaan, upang matulungan ang mga Pilipinong mas nangangailangan.
“In our many communities coming together so that we can feed the hungry and the less fortunate, and in every Filipino working hard to provide food for themselves and for their families.” -Pangulong Marcos.
Kaugay nito, umapela si Pangulong Marcos ng mas mahigpit na pagtutulungan sa mga kabalikat ng gobyerno, lalo na sa mga lokal na pamahalaan, na sila aniyang magbababa sa grassroot level ng mga programa ng administrasyon.
“As agents of the government on the ground, our LGUs not only have a better knowledge and have good insights on the incidence of hunger in their localities, but also provide, maybe, perhaps better programs, better strategies, or approaches to address hunger specific to the areas that their constituents lie.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan